Friday, September 10, 2010

The Leader Eliminates the Boss! - Survivor Philippines Celebrity Edition First Tribal Council Result


Si Doc Ferdz Recio ang kauna-unahang castaway ng Survivor Philippines Survivor Edition na napaalis sa Isla. 

Si Doc Ferdz ay bahagi ng tribong “Magan”. Ang bumoto na mapaalis si Doc Ferdz ay walang iba kundi ang kanilang team leader sa tribo na si Buhawi. Naging kontrobersyal ang unang Tribal Council at ngayon ay usap-usapan na sa social networking sites gaya ng Facebook at Twtter. Marami ang nagulat sa naging desisyon ni Buhawi. Marami ang nanghihinayang sa pagkawala sa isla ni Doc Ferdz. Ngunit may ilan namang ikinatuwa ang pagkatanggal niya.

Si Doc Ferdz Recio ay isang beterenaryo at nakilala bilang host ng GMA7's “Born to be Wild.”

Kung ikaw ang tatanungin, Tama nga lang ba ang naging desisyon ni Buhawi na iboto si Doc Fredz? Bakit? Kung hindi ang sagot mo, sino dapat ang ibinoto niya? Sagot na mga KAPUSO.

(Ang nakikitang larawan ay mula sa GMA 7)
Related Posts with Thumbnails