Wednesday, September 15, 2010

Jewel Mische, magiging KAPAMILYA na?


Usap-usapan ngayon ng mga press people at showbiz writers ang di-umano pagkikita ni Jewel Mische sa mga Big Boss ng Kapamilya network. At kahapon sa isang tweet ng PEP ay kinumpirma na nakitang kasama nang young actress ang Star Magic Director na si Mr. Johnny Manahan at ABS-CBN business unit head Mr. Deo Endrinal

Mukhang magkakatotoo na ang mga kumakalat na balita sa mundo ng showbiz ngayon sa napipintong paglipat ni Jewel sa ABS-CBN. Hot item ngayon ang young actress dahil sa pagbrebreak nila ng kaniyang boyfriend na si Richard Gutierrez. Ngunit ayon sa aming nasagap na balita ay maganda naman ang paghihiwalay ng dalawa at ngayon ay mabuting magkaibigan sila. Ngunit ngayon ay napapabalitang may nililigawan ng iba ang young leading man na naging kasama niya sa Survivor Philippines na kung saan isa itong contestant sa nasabing reality show. 

Sa ngayon ay wala pang kumpirmasyon ang dalawang kampo kung matutuloy ang lipatan. Who knows, baka ngayong linggo o next week. At eto pa! Usapan na rin ngayon kung matutuloy ang paglipat ni Jewel sa ABS-CBN ay mukhang isa siya sa pagpipilian na maging bida sa hit teleserye ng Mara Clara. Bongga kung ganun di ba? Ilan sa mga naging shows ni Jewel sa GMA 7 ay Magic Kamison: Black Jewel in the Palace, Mga Mata ni Anghelita, Kamandag at Pilyang Kerubin.
Related Posts with Thumbnails