Sunday, August 22, 2010

When the ‘IMPOSTOR’ Mariz meets the ‘TRUE’ Mariz

Isang malaking pasabog ang magaganap sa mga susunod na araw sa afternoon hit teleserye na IMPOSTOR ng ABS-CBN. Maraming ang nag-aakala na nalalapit na ang pagtatapos ng teleserye na pinagbibidahan nila Sam Milby At Maja Salvador dahil sa mabibigat na eksena at pangyayare na nagaganap sa buhay ni Devin at Anthony. 


Pwes. Kumapit ka na! Isang malaking pasabog ang magaganap na babago sa ikot ng buhay ng dalawang bida. Muling magbabalik ang sosyalera, edukada at tunay na Mariz.

Papaano? Alamin sa mga susunod na mga araw dahil ang matitinding pasabog ay ngayon pa lamang puputok. Ano kaya ang magiging reaksyon ng tunay na Mariz kapag nalaman niyang may IMPOSTOR siya? Paano na ang IMPOSTOR na si Devin? Sino ang pipiliin ni Anthony? Si Mariz na tunay niyang asawa at una niyang minahal? o Si Devin na unang nagpangiti sa kaniya at nagpadama ng tunay na pagmamahal?. Tutukan ang mga nakakapanabik na mga kaganapan sa afternoon hit na teleserye na IMPOSTOR pagkatapos ng Rosalka. Boom! Kumapit ka na : )
Related Posts with Thumbnails