Wednesday, August 11, 2010

Pagkatapos ni Cesar Montano, Edu Manzano balik kapuso na rin!

Ilang linggo pa lamang ang nakakaraan sa paglipat ni Cesar Montano sa GMA 7, ay isa na namang beteranong aktor ang nagbabalik Kapuso sa katauhan ni Edu Manzano. Kanina lamang ay nag-signed na ng exclusive contract si Edu sa GMA Network kasama ang mga boss ng Kapuso network na pinangungunahan ni Chairman, President and CEO Felipe L. Gozon, COO Gilberto R. Duavit, Jr. GMA Network Senior Vice President for Entertainment Wilma V. Galvante; EVP at ang manager ni Edu Manzano na si Ms. June Torrejon.

Ngayong certified Kapuso na si Edu, siya ang napiling mag-host ng  pinakabagong game show ng Kapuso Network na may pamagat na “Asar Talo Pero Laging Panalo!

Sa pagbabalik telebisyon ni Edu ay nahungkat ang isang pahayag niya noong kasagsagan ng eleksyon na kung saan sinabe niya na kung siya man ay matalo ay hindi na siya magbabalik telebisyon at magbubuhay at magtratrabaho sa pribadong aspeto na lamang.

Ngunit kung ano man ang dahilan sa pagbabago ng kaniyang isip, well, respetuhin na lang natin iyon at abangan ang kaniyang mga gagawin proyekto sa Kapuso network. Welcome back sa Kapuso Edu! : )
Related Posts with Thumbnails