Wednesday, August 4, 2010

Melai Cantiveros stars in ’Maalaala Mo Kaya’

Kakaibang mga kwento na naman ang ihahatid at itatampok ng Maalaala Mo Kaya sa mga susunod na Sabado na siguradong kukurot sa ating mga puso at magbibigay inspirasyon  Ito’y bahagi pa rin ng taunang selebrasyon ng Maalaala Mo Kaya ngayong taong 2010. Kabilang na nga dito ang unang pagbibida ni Melai Cantiveros sa nasabing drama-anthology. 


Gagampanan ni Melai ang karakter ng isang katulong o kasambahay na kung saan mararanasan niya ang isang komplikadong love story. Kasama ni Melai sa espesyal na episode ng MMK sina Candy Pangilinan, Ketchup Eusebio at Ryan Eigenmann. Ito ay sa panulat ni Maan Dimaculangan at idinerek ni Nick Olanka (ang director sa likod ng Mukha Episode sa Cinco).

Abangan ang Prinsesa ng Masa at PBB Double Up Big Winner Melai Cantiveros sa kanyang kauna-unahang pagbibida sa MMK ngayong August 7, 2010. Paniguradong kukurot sa ating mga puso at tiyan ang istorya na ito.

Sa mga kapamilya viewers, ano sa tingin niyo ang magiging title ng MMK episode tampok si Melai Cantiveros? : )

Maalaala Mo Kaya – Melai Cantiveros Teaser

Related Posts with Thumbnails