Friday, August 6, 2010

Maliban sa espekulasyong pagpapakasal, Ogie aaminin rin na buntis na si Regine?

Usap-usapan na ang malaking announcement na sasabihin ni Ogie Alcasid ngayong linggo sa Sunday musical variety show na Party Pilipinas. Bago pa man ang impormasyon na ito mula kay Ogie, ilang araw na rin ang nakakaraan na pinag-uusapan ang posibleng pagpapakasal ng dalawa (Ogie at Regine) ngayong taon. At naging mas maingay ang issue ng mag banggit si Regine nang isang petsa (December 22) sa isa niyang TV interview ngunit hindi sinabe ni Regine kung ano ang meron sa petsa na iyon. Kaya naman marami ng umaasa na marahil eto na nga yung petsa na kung kelan sila ikakasal. Kasabay na pag anunsyo ni Ogie sa kaniyang sasabihin sa linggo sa Party Pilipinas ay pumutok pa ang isang espekulasyon na marahil ay aaminin na rin nilang dalawa na sila ay magkaka-anak na. Sa isang text na ipinadala ni Ogie sa YES! Editor-in-Chief na si Jo-Ann Maglipon, bukod sa pag-anunsyo na gagawin niya sa linggo sa Party Pilipinas ay sinabi rin ni Ogie na “it’s going to be a happy one”.

Mga Pinoy Showbiz Surfer readers, Ano sa tingin niyo? Ano kayang anunsyo ang isasambulat ni Ogie sa linggo? Pagpapakasal? Pag-amin sa pagbubuntis ni Regine? O di kaya naman ay mas malaki pa sa inaasahan natin. Ating alamin ngayong linggo sa Party Pilipinas.
Related Posts with Thumbnails