Wednesday, August 11, 2010

Kuya Kim is now conscious and fine now!


Kaninang umaga ay ginulat ng isang malungkot na balita ang mga Kapamilya viewers dahil sa pagsugod kay Kim Atienza o mas kilala bilang Kuya Kim sa Makati Medical Center hospital. “Mild stroke” ang naturang dahilan ng pagsugod sa hospital kay kuya kim. Ngunit ayon sa balita ng ABS-CBN News kanina ay nasa mabuting kalagayan na ang host/reporter pero nakasailalim pa rin sa observation ng doktor sa loob ng 24 hanggang 48 na oras.

Nagpapasalamat ang buong pamilya ni Kuya Kim sa mga messages na kanilang natatanggap sa pag-aalala sa kalagayan ng kanilang padre de pamilya at pati na rin sa mga prayers para sa mabilis na pagrecover ni Kuya Kim.

Get well soon Mr. Kim Atienza! Hindi kumpleto ang araw ng Kapamilya viewers kapag hindi nakakarinig ng trivia mula sa iyo : )
Related Posts with Thumbnails