Friday, July 30, 2010

Vice Ganda, pansamantala munang magpapaalam sa Showtime

Sinagot at kinumpirma na ni Vice Ganda kagabe sa show na SNN (Showbiz News Ngayon) ang napapabalitang pag-alis niya sa Showtime.

Eto ang naturang interview kay Vice Ganda. (i-set sa 07:43)





After ipalabas sa SNN ang kaniyang interview, nagpost si Vice Ganda sa kaniyang facebook account na may kaugnayan sa kaniyang pansamantalang pamamaalam sa Showtime.

Labis akong malulungkot at panandalian akong mamamatay pag nawala ako sa SHOWTIME. Pero kailangan kong magbakasyon SANDALI para "mag tune up" ng utak at katawan ko. I will miss Showtime and everybody. But ill be back very soon.” – Vice Ganda

Hindi maitatanggi na napakalaking bagay ni Vice Ganda sa Showtime. Milyon-milyong tao ang nag-aabang sa mga jokes na kaniyang ibabato at pati na rin ang sample na kaniyang ihahain para sa ‘madlang people’.

Sa pag-amin ni Vice Ganda, ay naiiwan ang katanungan kung sino ang papalit sa kaniyang puwesto bilang judge. Kung sino man ang papalit sa kaniya, napakalaking pressure at expectation ang kaniyang dadalhin habang nagpapahinga si Vice Ganda. Sa ngayon, wala pang specific date na kung kelan magleleave si Vice Ganda. One thing for sure, bilang isang masugid na nanonood ng Showtime, mamimiss ko si Vice at ang kaniyang mga jokes. Malaking saya ang mababawas sa pansamantalang pag-alis ni Vice. Ngunit sa kabilang banda, sa kaniyang pagbabalik ay muli niya tayong aaliwin at papasiyahin sa kaniyang mga bagong pasabog na jokes at sample na gagawin.
Related Posts with Thumbnails