Thursday, July 22, 2010

Melai Cantiveros, tuloy-tuloy ang pagsikat!

Kahit hindi pa lumabas ng bahay ni kuya, maituturing na talagang sikat at minahal ng milyong-milyong tao hindi lamang sa Pilipinas kundi pati rin sa ibang bansa (through TFC subsribers) ang tinaguriang Prinsesa ng Masa, Melai Cantiveros. At sa kaniyang paglabas ng bahay ni kuya, ay kaniyang niyakap ang walang sawang suporta at pagmamahal mula sa mga tao. Ito na rin ang naging daan upang pasukin ni Melai ang pag-showbiz. Kagaya ng mabilis na pagdaan ng oras ay gayun din ang bilis ng mga blessings na tinatanggap ni Melai. Nagkaroon siya ng sariling show, nakapagpose sa magazine, endorsements at marami pang iba.

Sa ngayon, regular na napapanood si Melai sa Banana Split at ASAP XV. Patuloy pa rin ang shooting ng Kokey @ Ako, kung saan kasama ni Melai ang kaniyang sweety pie na si Jason, Vhong Navarro at Toni Gonzaga. Kamakailan lamang ay walang takot na nakipagsabayan si Melai sa pagrampa sa Bench Fashion Show na kung saan ay isa siya sa mga pinalakpakan ng mga nanood sa naturang event. Matagumpay rin ang nairaos ng MELASON love team ang kanilang tour sa London para magbigay saya sa mga TFC subsribers. Kasama ng MELASON sina Pokwang, Gary Valenciano, Vina Morales at marami pang iba.

Walang duda na si Melai Cantiveros ay isa sa mga bagong artista na matagumpay ngayong 2010. Pinatunayan ni Melai na kaya niyang makipag sabayan sa ibang artista dala ang kaniyang masiyahin at maka-masang charm sa mga tao. Sinisiguro ng ABS-CBN na patuloy natin mamahalin ang MELASON sa mga darating na buwan at taon.

(note: image used is credits to bench/lifestyle + clothing company)
Related Posts with Thumbnails