Saturday, July 24, 2010

Bea Alonzo, nanganganib ang pagiging Box Office Queen?

Hawak sa kasalukuyan ni Bea Alonzo at John Lloyd Cruz ang pagiging Box Office King and Queen for 2011 dahil sa kanilang reunion movie na may pamagat na ‘Miss You Like Crazy’. Nagtala ang pelikula nang P 143.25 million na kita. Ito ang kasalukuyan pinakamatass na kita mula sa Pelikulang Pilipino ngayong taon. Sinundan naman ito ng Here Comes The Bride na may kitang P 117.94 million at You To Me Are Everything na may P 97.09 million na kita. Lahat ng datus ay base sa Mojo Box Office Philippines.

Ngunit mukhang nanganganib ang titulong Box Office Queen para kay Bea Alonzo sa pagpalabas ng dalawang pelikula na Cinco at Hating kapatid. Ayon sa mga reports, ang dalawang nasabing pelikula ay patuloy na umaani sa takilya. Ngunit, mas nakatutok ang lahat ngayon sa labanang Judy Ann at Sarah Geronimo VS. Bea Alonzo. Kahit pang-apat na araw pa lamang na ipinapalabas ngayon ang pelikula nila Judy Ann at Sarah, malakas ang espikulasyon na ang pelikula ay aabot ng P100 milyon o higit pa sa takilya. Napatunayan na ito ni Judy Ann at Sarah na pawang ang mga pinagbidahang pelikula ay umabot sa P100 milyon mark sa takilya. Naiiwan ngayon sa isipan ng mga tao kung malalampasan ba ng Sarah-Judy Ann tandem ang kita ng pelikula ni Bea Alonzo. Muli bang kokoronahan si Sarah sa pangatlong pagkakataon?

May apat na buwan pang natitira bago malaman kung sino nga ba ang magiging Box Office King and Queen sa susunod na taon. At marami pang pelikula ang ipapalabas sa mga susunod na buwan. Kagaya ng In Your Eyes (Richard, Anne & Claudine), Sa’yo Lamang (Bea Alonzo & Lorna Tolentino), Huling Sayaw (Angel Locsin & Aga Muhlach), horror movie ni Sharon Cuneta under star cinema at marami pang iba.

(Ang mga pelikula na kalahok sa MMFF ay hindi kasama sa pagpipilian dahil ipapasok at ibibilang ang mga kikitain nito sa 2011. Gayunsunod na rin sa mga nakaraang taon.)
Related Posts with Thumbnails